×
يونسAyah 103

Tafsir Al-Mukhtasar

ثُمَّ نُنَجِّى رُسُلَنَا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ۚ كَذَٰلِكَ حَقًّا عَلَيْنَا نُنجِ ٱلْمُؤْمِنِينَ ﴿١٠٣﴾

Pagkatapos magbababa Kami sa kanila ng parusa, magliligtas Kami sa mga sugo Namin at magliligtas Kami sa mga sumampalataya kasama sa kanila, kaya hindi tatama sa kanila ang tumama sa mga tao nila. Kung paanong pinaligtas Namin ang mga sugong iyon at ang mga mananampalataya kasama sa kanila, magliligtas Kami sa Sugo Namin at sa mga mananampalataya kasama sa kanya ayon sa isang pagliligtas na tungkuling pinagtibay sa Amin.