×
يونسAyah 107

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِن يَمْسَسْكَ ٱللَّهُ بِضُرٍّ فَلَا كَاشِفَ لَهُۥٓ إِلَّا هُوَ ۖ وَإِن يُرِدْكَ بِخَيْرٍ فَلَا رَآدَّ لِفَضْلِهِۦ ۚ يُصِيبُ بِهِۦ مَن يَشَآءُ مِنْ عِبَادِهِۦ ۚ وَهُوَ ٱلْغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ ﴿١٠٧﴾

Kung magpapatama sa iyo si Allāh, O Sugo, ng isang pagsubok at humiling ka ng pagpapalihis nito palayo sa iyo ay walang tagapagpalihis nito kundi Siya – kaluwalhatian sa Kanya. Kung magnanais Siya sa iyo ng isang kariwasaan ay walang isang makapipigil sa kabutihang-loob Niya. Nagpapatama Siya ng kabutihang-loob Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya. Siya ay ang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa Kanila.