×
يونسAyah 18

Tafsir Al-Mukhtasar

وَيَعْبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُمْ وَلَا يَنفَعُهُمْ وَيَقُولُونَ هَـٰٓؤُلَآءِ شُفَعَـٰٓؤُنَا عِندَ ٱللَّهِ ۚ قُلْ أَتُنَبِّـُٔونَ ٱللَّهَ بِمَا لَا يَعْلَمُ فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَلَا فِى ٱلْأَرْضِ ۚ سُبْحَـٰنَهُۥ وَتَعَـٰلَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ ﴿١٨﴾

Sumasamba ang mga tagapagtambal ng iba pa kay Allāh sa mga diyos na inaakala, na hindi nagpapakinabang at hindi nakapipinsala, samantalang ang sinasambang ayon sa karapatan ay nagpapakinabang at nakapipinsala kapag niloob Niya. Nagsasabi sila tungkol sa mga sinasamba nila: "Ang mga ito ay mga tagapagpagitnang namamagitan para sa amin sa ganang kay Allāh para hindi Niya kami pagdusahin sa mga pagkakasala namin." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagpapabatid ba kayo kay Allāh, ang Maalam, na mayroon Siyang katambal at Siya ay hindi nakaaalam na mayroon Siyang katambal sa mga langit ni sa lupa? Pagkabanal-banal Siya at nagpakawalang-kaugnayan Siya sa anumang sinasabi ng mga tagapagtambal na kabulaanan at kasinungalingan."