×
يونسAyah 22

Tafsir Al-Mukhtasar

هُوَ ٱلَّذِى يُسَيِّرُكُمْ فِى ٱلْبَرِّ وَٱلْبَحْرِ ۖ حَتَّىٰٓ إِذَا كُنتُمْ فِى ٱلْفُلْكِ وَجَرَيْنَ بِهِم بِرِيحٍ طَيِّبَةٍ وَفَرِحُوا۟ بِهَا جَآءَتْهَا رِيحٌ عَاصِفٌ وَجَآءَهُمُ ٱلْمَوْجُ مِن كُلِّ مَكَانٍ وَظَنُّوٓا۟ أَنَّهُمْ أُحِيطَ بِهِمْ ۙ دَعَوُا۟ ٱللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ لَئِنْ أَنجَيْتَنَا مِنْ هَـٰذِهِۦ لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّـٰكِرِينَ ﴿٢٢﴾

Si Allāh ay ang nagpapahayo sa inyo, O mga tao, sa katihan gamit ang mga paa ninyo at gamit ang mga sasakyang hayop ninyo at ang nagpapahayo sa inyo sa karagatan sa mga sasakyang-dagat. Nang kayo ay nasa mga sasakyang-dagat sa karagatan at umusad ang mga ito lulan sila sa pamamagitan ng isang kaaya-ayang hangin, natuwa ang mga pasahero sa kaaya-ayang hanging iyon. Ngunit habang sila ay nasa pagkatuwa nila, dumating sa kanila ang isang hanging malakas ang pag-ihip at dumating sa kanila ang mga alon ng karagatan mula sa bawat dako. Nanaig sa pagpapalagay nila na sila ay mapapahamak. Dumalangin sila kay Allāh lamang at hindi sila nagtambal sa Kanya ng iba pa sa Kanya habang mga nagsasabi: "Talagang kung sasagipin Mo kami mula sa nakapagpapahamak na pagsubok na ito ay talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga nagpapasalamat sa Iyo sa ibiniyaya Mo sa amin."