×
يونسAyah 40

Tafsir Al-Mukhtasar

وَمِنْهُم مَّن يُؤْمِنُ بِهِۦ وَمِنْهُم مَّن لَّا يُؤْمِنُ بِهِۦ ۚ وَرَبُّكَ أَعْلَمُ بِٱلْمُفْسِدِينَ ﴿٤٠﴾

Kabilang sa mga tagapagtambal ang sasampalataya sa Qur'ān bago ng kamatayan nila at kabilang sa kanila ang hindi sumasampalataya rito dala ng pagmamatigas at pakikipagmalakihan hanggang sa mamatay. Ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila. Gaganti Siya sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila.