×
يونسAyah 49

Tafsir Al-Mukhtasar

قُل لَّآ أَمْلِكُ لِنَفْسِى ضَرًّا وَلَا نَفْعًا إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُ ۗ لِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٌ ۚ إِذَا جَآءَ أَجَلُهُمْ فَلَا يَسْتَـْٔخِرُونَ سَاعَةً ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ ﴿٤٩﴾

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng isang pinsalang ipamiminsala ko rito o ipantatanggol ko rito ni isang pakinabang na ipakikinabang ko rito, kaya papaano na sa pagpapakinabang ng iba sa akin o pamiminsala rito, maliban sa niloob ni Allāh mula roon. Kaya papaanong ukol sa akin na makaalam ako sa Lingid Niya? Para sa bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunang nagbanta si Allāh dito ng isang kapahamakan ay may panahong itinakda para sa kapahamakan nito, na walang nakaaalam niyon kundi si Allāh. Kaya kapag dumating ang panahon ng kapahamakan nito ay hindi mahuhuli ito ng anumang oras at hindi mauuna."