Tafsir Al-Mukhtasar
هُوَ ٱلَّذِى جَعَلَ ٱلشَّمْسَ ضِيَآءً وَٱلْقَمَرَ نُورًا وَقَدَّرَهُۥ مَنَازِلَ لِتَعْلَمُوا۟ عَدَدَ ٱلسِّنِينَ وَٱلْحِسَابَ ۚ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ ذَٰلِكَ إِلَّا بِٱلْحَقِّ ۚ يُفَصِّلُ ٱلْـَٔايَـٰتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ ﴿٥﴾
Siya ang gumawa sa araw na sumisinag ng tanglaw at nagkakalat nito at gumawa sa buwan bilang liwanag na ipinanliliwanag. Nagtakda Siya sa pag-inog ng buwan ng bilang ng mga yugto nito na dalawampu't walo. Ang yugto ay ang distansiyang tinatahak nito sa bawat araw at gabi. [Ito ay] upang malaman ninyo, O mga tao, sa pamamagitan ng araw ang bilang ng mga araw at sa pamamagitan ng buwan ang bilang ng mga buwan at mga taon. Hindi lumikha si Allāh ng mga langit at lupa at ng anumang nasa pagitan ng mga ito kundi ayon sa katotohanan upang lumitaw ang kakayahan Niya at ang kadakilaan Niya sa mga tao. Naglilinaw si Allāh nitong mga patunay na maliwanag at mga patotoong hayag sa kaisahan Niya para sa mga taong umaalam sa pagpapatunay roon sa pamamagitan ng mga ito.