×
يونسAyah 61

Tafsir Al-Mukhtasar

وَمَا تَكُونُ فِى شَأْنٍ وَمَا تَتْلُوا۟ مِنْهُ مِن قُرْءَانٍ وَلَا تَعْمَلُونَ مِنْ عَمَلٍ إِلَّا كُنَّا عَلَيْكُمْ شُهُودًا إِذْ تُفِيضُونَ فِيهِ ۚ وَمَا يَعْزُبُ عَن رَّبِّكَ مِن مِّثْقَالِ ذَرَّةٍ فِى ٱلْأَرْضِ وَلَا فِى ٱلسَّمَآءِ وَلَآ أَصْغَرَ مِن ذَٰلِكَ وَلَآ أَكْبَرَ إِلَّا فِى كِتَـٰبٍ مُّبِينٍ ﴿٦١﴾

Hindi ka, O Sugo, nasa isang kalagayan kabilang sa mga kalagayan, hindi ka bumibigkas ng isang bahagi ng Qur’ān, at hindi kayo gumagawa, O mga mananampalataya, ng anumang gawain malibang Kami ay nakakikita sa inyo habang nakaaalam sa inyo at nakaririnig sa inyo kapag nagsisimula kayo sa paggawa, na mga nagsisigasig dito. Walang naililingid sa kaalaman ng Panginoon mo na kasimbigat ng isang maliit na langgam sa langit o sa lupa, ni higit na maliit kaysa sa timbang niyon ni higit na malaki, malibang iyon ay nakatala sa isang talaang maliwanag, na hindi nag-iiwan ng maliit ni malaki malibang binibilang nito.