×
يونسAyah 68

Tafsir Al-Mukhtasar

قَالُوا۟ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدًا ۗ سُبْحَـٰنَهُۥ ۖ هُوَ ٱلْغَنِىُّ ۖ لَهُۥ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۚ إِنْ عِندَكُم مِّن سُلْطَـٰنٍۭ بِهَـٰذَآ ۚ أَتَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ ﴿٦٨﴾

Nagsabi ang isang pangkat kabilang sa mga tagapagtambal: "Gumawa si Allāh sa mga anghel bilang mga anak na babae." Pagkabanal-banal si Allāh para sa sinasabi nila sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng mga nilikha Niya. Sa Kanya ang paghahari sa anumang nasa mga langit at ang paghahari sa anumang nasa lupa. Wala kayong taglay, O mga tagapagtambal, na patotoo sa sabi ninyong ito. Nagsasabi ba kayo hinggil kay Allāh ng isang salitang mabigat – yayamang nag-uugnay kayo sa Kanya ng anak – na hindi ninyo nalalaman ang katotohanan niyon nang walang patotoo?