×
يونسAyah 87

Tafsir Al-Mukhtasar

وَأَوْحَيْنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰ وَأَخِيهِ أَن تَبَوَّءَا لِقَوْمِكُمَا بِمِصْرَ بُيُوتًا وَٱجْعَلُوا۟ بُيُوتَكُمْ قِبْلَةً وَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ ۗ وَبَشِّرِ ٱلْمُؤْمِنِينَ ﴿٨٧﴾

Nagkasi Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – na [nagsasabi]: "Pumili kayong dalawa at gumawa kayong dalawa para sa mga tao ninyong dalawa ng ilang bahay para sa pagsamba kay Allāh lamang. Gawin ninyo ang mga bahay ninyo na nakaharap sa dako ng qiblah sa Jerusalem. Magsagawa kayo ng pagdarasal nang lubusan. Magpabatid ka, O Moises, sa mga mananampalataya ng nagpapatuwa sa kanila na pag-aadya ni Allāh, pag-ayuda sa kanila, pagpapahamak sa kaaway nila, at paghahalili sa kanila sa lupa."