Tafsir Al-Mukhtasar
وَجَـٰوَزْنَا بِبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ٱلْبَحْرَ فَأَتْبَعَهُمْ فِرْعَوْنُ وَجُنُودُهُۥ بَغْيًا وَعَدْوًا ۖ حَتَّىٰٓ إِذَآ أَدْرَكَهُ ٱلْغَرَقُ قَالَ ءَامَنتُ أَنَّهُۥ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا ٱلَّذِىٓ ءَامَنَتْ بِهِۦ بَنُوٓا۟ إِسْرَٰٓءِيلَ وَأَنَا۠ مِنَ ٱلْمُسْلِمِينَ ﴿٩٠﴾
Nagpadali Kami para sa mga anak ni Israel ng pagtawid sa dagat matapos ng pagkabiyak nito hanggang sa nakalampas sila roon na mga ligtas ngunit humabol sa kanila si Paraon at ang hukbo niya dala ng paglabag sa katarungan at pangangaway. Hanggang sa nang sumaklob sa kanya ang dagat, humantong sa kanya ang pagkalunod, at nawalan siya ng pag-asa sa pagkakaligtas ay nagsabi siya: "Sumampalataya ako na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi ang sinampalatayanan ng mga anak ni Israel, at ako ay kabilang sa mga nagpapaakay kay Allāh sa pagtalima."