×
يونسAyah 94

Tafsir Al-Mukhtasar

فَإِن كُنتَ فِى شَكٍّ مِّمَّآ أَنزَلْنَآ إِلَيْكَ فَسْـَٔلِ ٱلَّذِينَ يَقْرَءُونَ ٱلْكِتَـٰبَ مِن قَبْلِكَ ۚ لَقَدْ جَآءَكَ ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلْمُمْتَرِينَ ﴿٩٤﴾

Kaya kung ikaw, O Sugo, ay nasa isang pag-aalinlangan at pagkalito sa katotohanan ng pinababa Namin sa iyo mula sa Qur'ān ay magtanong ka sa sinumang sumampalataya kabilang sa mga Hudyo na bumabasa ng Torah at mga Kristiyano na bumabasa ng Ebanghelyo saka magpapabatid sila sa iyo na ang pinababa sa iyo ay totoo dahil sa natatagpuan nila na paglalarawan dito sa mga kasulatan nila. Talaga ngang dumating sa iyo ang totoo na walang pag-aalangan hinggil dito na mula sa Panginoon mo kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagdududa.