×
يونسAyah 98

Tafsir Al-Mukhtasar

فَلَوْلَا كَانَتْ قَرْيَةٌ ءَامَنَتْ فَنَفَعَهَآ إِيمَـٰنُهَآ إِلَّا قَوْمَ يُونُسَ لَمَّآ ءَامَنُوا۟ كَشَفْنَا عَنْهُمْ عَذَابَ ٱلْخِزْىِ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَمَتَّعْنَـٰهُمْ إِلَىٰ حِينٍ ﴿٩٨﴾

Hindi nangyari na may sumampalatayang isang pamayanan kabilang sa mga pamayanan, na nagpadala Kami sa mga iyon ng mga sugo Namin, ayon sa isang makabuluhang pananampalataya bago mapagmasdan ang pagdurusa. Kaya nagpakinabang dito ang pananampalataya nito dahil sa pagdating ng pananampalataya bago mapagmasdan iyon, maliban sa mga tao ni Jonas. Nang sumampalataya sila nang pananampalatayang tapat ay nag-angat Kami palayo sa kanila ng pagdurusa ng kaabahan at pagkahamak sa buhay na pangmundo at nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa oras ng pagwawakas ng mga taning nila.