Tafsir Al-Mukhtasar
وَمَآ أَكْثَرُ ٱلنَّاسِ وَلَوْ حَرَصْتَ بِمُؤْمِنِينَ ﴿١٠٣﴾
Ang higit na marami sa mga tao ay hindi mga mananampalataya, kahit pa man nagkaloob ka, O Sugo, ng buong pagsisikap upang sumampalataya sila. Kaya huwag masawi ang sarili mo para sa kanila dahil sa mga panghihinayang.