×
يوسفAyah 105

Tafsir Al-Mukhtasar

وَكَأَيِّن مِّنْ ءَايَةٍ فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ يَمُرُّونَ عَلَيْهَا وَهُمْ عَنْهَا مُعْرِضُونَ ﴿١٠٥﴾

Marami ang mga tandang nagpapatunay sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na nakakalat sa mga langit at sa lupa, na dumaraan sila sa mga iyon samantalang sila sa pagmumuni-muni sa mga iyon ay mga tagaayaw, na hindi pumapansin sa mga iyon.