Tafsir Al-Mukhtasar
فَٱسْتَجَابَ لَهُۥ رَبُّهُۥ فَصَرَفَ عَنْهُ كَيْدَهُنَّ ۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْعَلِيمُ ﴿٣٤﴾
Kaya tumugon si Allāh sa dalangin niya, at nag-alis sa kanya ng panlalansi ng maybahay ng Makapangyarihan at panlalansi ng mga babae ng lungsod. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang Madinigin sa panalangin ni Jose at sa panalangin ng bawat dumadalangin, ang Maalam sa kalagayan niya at kalagayan ng iba pa sa kanya.