Tafsir Al-Mukhtasar
وَدَخَلَ مَعَهُ ٱلسِّجْنَ فَتَيَانِ ۖ قَالَ أَحَدُهُمَآ إِنِّىٓ أَرَىٰنِىٓ أَعْصِرُ خَمْرًا ۖ وَقَالَ ٱلْـَٔاخَرُ إِنِّىٓ أَرَىٰنِىٓ أَحْمِلُ فَوْقَ رَأْسِى خُبْزًا تَأْكُلُ ٱلطَّيْرُ مِنْهُ ۖ نَبِّئْنَا بِتَأْوِيلِهِۦٓ ۖ إِنَّا نَرَىٰكَ مِنَ ٱلْمُحْسِنِينَ ﴿٣٦﴾
Kaya ibinilanggo nila siya at may pumasok kasama sa kanya na dalawang binata sa bilangguan. Nagsabi ang isa sa dalawang binata kay Jose: "Tunay na ako ay nakakita sa panaginip na ako ay pumipiga ng ubas upang maging alak." Nagsabi naman ang ikalawa: "Tunay na ako ay nakakita [sa panaginip] na ako ay nagpapasan sa ibabaw ng ulo ko ng tinapay, na kumakain ang mga ibon mula roon. Magpabatid ka sa amin, O Jose, ng pagpapaliwanag ng napanaginipan namin. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo na kabilang sa mga alagad ng paggawa ng maganda."