Tafsir Al-Mukhtasar
ذَٰلِكَ لِيَعْلَمَ أَنِّى لَمْ أَخُنْهُ بِٱلْغَيْبِ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يَهْدِى كَيْدَ ٱلْخَآئِنِينَ ﴿٥٢﴾
Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan: "Upang malaman ni Jose nang umamin ako na ako ay ang nagtangkang umakit sa kanya at na siya ay tapat, na ako ay hindi gumawa-gawa laban sa kanya sa pagkaliban niya sapagkat luminaw para sa akin mula sa nangyari na si Allāh ay hindi nagtutuon sa sinumang nagsisinungaling at nanlalansi."