×
يوسفAyah 65

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَمَّا فَتَحُوا۟ مَتَـٰعَهُمْ وَجَدُوا۟ بِضَـٰعَتَهُمْ رُدَّتْ إِلَيْهِمْ ۖ قَالُوا۟ يَـٰٓأَبَانَا مَا نَبْغِى ۖ هَـٰذِهِۦ بِضَـٰعَتُنَا رُدَّتْ إِلَيْنَا ۖ وَنَمِيرُ أَهْلَنَا وَنَحْفَظُ أَخَانَا وَنَزْدَادُ كَيْلَ بَعِيرٍ ۖ ذَٰلِكَ كَيْلٌ يَسِيرٌ ﴿٦٥﴾

Noong nagbukas sila ng mga sisidlan ng pagkain nila na dinala nila ay nakatagpo sila sa halaga nito na isinauli sa kanila. Kaya nagsabi sila sa ama nila: "Alin pang bagay ang mahihiling namin sa makapangyarihang ito matapos ng pagpaparangal na ito? Ito ay ang halaga ng pagkain namin, na isinauli ng makapangyarihan bilang pagmamagandang-loob mula sa kanya sa amin. Makapagdudulot kami ng pagkain para sa mag-anak namin. Makapag-iingat kami sa kapatid namin laban sa pinangangambahan mo para sa kanya. Madaragdagan kami ng isang takal [na pasan] ng kamelyo dahilan sa pagsasama sa kanya sapagkat ang pagdaragdag ng isang takal [na pasan] ng kamelyo ay isang bagay na madali sa ganang makapangyarihan."