×
يوسفAyah 81

Tafsir Al-Mukhtasar

ٱرْجِعُوٓا۟ إِلَىٰٓ أَبِيكُمْ فَقُولُوا۟ يَـٰٓأَبَانَآ إِنَّ ٱبْنَكَ سَرَقَ وَمَا شَهِدْنَآ إِلَّا بِمَا عَلِمْنَا وَمَا كُنَّا لِلْغَيْبِ حَـٰفِظِينَ ﴿٨١﴾

Nagsabi ang kapatid na matanda: "Manumbalik kayo sa ama ninyo saka sabihin ninyo sa kanya: 'Tunay na ang anak mo ay nagnakaw, kaya inalipin siya ng makapangyarihan ng Ehipto bilang kaparusahan sa kanya sa pagnanakaw niya. Wala kaming ipinabatid kundi ayon sa nalaman namin mula sa pagkasaksi namin sa salop na inilabas mula sa sisidlan niya. Hindi kami nagkaroon ng kaalaman na siya ay nagnanakaw. Kung sakaling nalaman namin iyon ay hindi sana kami nakipagkasunduan sa iyo ng pagsasauli sa kanya.