×
يوسفAyah 84

Tafsir Al-Mukhtasar

وَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَـٰٓأَسَفَىٰ عَلَىٰ يُوسُفَ وَٱبْيَضَّتْ عَيْنَاهُ مِنَ ٱلْحُزْنِ فَهُوَ كَظِيمٌ ﴿٨٤﴾

Lumayo siya na umaayaw sa kanila at nagsabi: "Ah, ang tindi ng lungkot ko dahil kay Jose!" Ang kaitiman ng mga mata niya ay naging kaputian dahil sa dalas ng pag-iyak niya dahil kay Jose sapagkat siya ay puno ng kalungkutan at pag-aalala. Nagkukubli siya ng lungkot niya sa mga tao.