Tafsir Al-Mukhtasar
قَالُوا۟ يَـٰٓأَبَانَا ٱسْتَغْفِرْ لَنَا ذُنُوبَنَآ إِنَّا كُنَّا خَـٰطِـِٔينَ ﴿٩٧﴾
Nagsabi ang mga anak niya sa ama nilang si Jacob – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na mga humihingi ng paumanhin sa ginawa nila kay Jose at sa kapatid nito: "O ama namin, humiling ka po mula kay Allāh ng kapatawaran para sa mga pagkakasala naming nauna; tunay na kami dati ay mga nagkakasala, na mga gumawa ng masagwa sa ginawa namin kay Jose at sa kapatid niyang buo."