Tafsir Al-Mukhtasar
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ سُبْحَـٰنَ ٱلَّذِىٓ أَسْرَىٰ بِعَبْدِهِۦ لَيْلًا مِّنَ ٱلْمَسْجِدِ ٱلْحَرَامِ إِلَى ٱلْمَسْجِدِ ٱلْأَقْصَا ٱلَّذِى بَـٰرَكْنَا حَوْلَهُۥ لِنُرِيَهُۥ مِنْ ءَايَـٰتِنَآ ۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْبَصِيرُ ﴿١﴾
Nagpawalang-kapintasan si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at nagpakadakila Siya dahil sa kakayahan Niya sa anumang hindi nakakaya ng isang iba pa sa Kanya. Si Allāh ang nagpalakbay sa Lingkod Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa kaluluwa at katawan habang gising sa isang bahagi ng gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] patungo sa Masjid ng Jerusalem, na pinagpala Niya ang palibot nito sa pamamagitan ng mga bunga at mga pananim at mga tahanan ng mga propeta – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – upang makita niya ang ilan sa mga tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na Siya ay ang Madinigin kaya walang nakakukubli sa Kanya na isang naririnig, ang Nakakikita kaya walang nakakukubli sa Kanya na isang nakikita.