×
الإسراءAyah 31

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَا تَقْتُلُوٓا۟ أَوْلَـٰدَكُمْ خَشْيَةَ إِمْلَـٰقٍ ۖ نَّحْنُ نَرْزُقُهُمْ وَإِيَّاكُمْ ۚ إِنَّ قَتْلَهُمْ كَانَ خِطْـًٔا كَبِيرًا ﴿٣١﴾

Huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dala ng isang pangamba sa karalitaan sa hinaharap kapag gumugol kayo sa kanila. Kami ay naggagarantiya sa pagtutustos sa kanila at naggagarantiya sa pagtutustos sa inyo mismo. Tunay na ang pagpatay sa kanila ay laging isang kasalanang malaki yayamang walang pagkakasala para sa kanila at walang dahilang humihiling ng pag-oobliga sa pagpatay sa kanila.