×
الإسراءAyah 51

Tafsir Al-Mukhtasar

أَوْ خَلْقًا مِّمَّا يَكْبُرُ فِى صُدُورِكُمْ ۚ فَسَيَقُولُونَ مَن يُعِيدُنَا ۖ قُلِ ٱلَّذِى فَطَرَكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ ۚ فَسَيُنْغِضُونَ إِلَيْكَ رُءُوسَهُمْ وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هُوَ ۖ قُلْ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ قَرِيبًا ﴿٥١﴾

O kayo ay maging nilikhang iba pa, na higit na dakila kaysa sa dalawang kabilang sa dinadakila sa mga dibdib ninyo. Tunay na si Allāh ay magpapanumbalik sa inyo gaya ng pagpasimula Niya sa inyo at magbibigay-buhay sa inyo gaya ng paglikha Niya sa inyo sa unang pagkakataon." Kaya magsasabi ang mga tagapagmatigas na ito: "Sino ang magpapanumbalik sa amin bilang mga buhay matapos ng kamatayan namin?" Sabihin mo sa kanila: "Magpapanumbalik sa inyo ang lumikha sa inyo sa unang pagkakataon ayon sa walang naunang pagkakatulad." Kaya maggagalaw-galaw sila ng mga ulo nila bilang mga nanunuya sa pagtugon mo sa kanila at magsasabi sila habang mga nagtuturing na imposible: "Kailan ang pagpapanumbalik na ito?" Sabihin mo: "Harinawang ito ay malapit na sapagkat ang bawat dumarating ay malapit na.