×
الإسراءAyah 54

Tafsir Al-Mukhtasar

رَّبُّكُمْ أَعْلَمُ بِكُمْ ۖ إِن يَشَأْ يَرْحَمْكُمْ أَوْ إِن يَشَأْ يُعَذِّبْكُمْ ۚ وَمَآ أَرْسَلْنَـٰكَ عَلَيْهِمْ وَكِيلًا ﴿٥٤﴾

Ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay higit na maalam sa inyo sapagkat walang nakakukubli sa Kanya mula sa inyo na anuman. Kung loloobin Niya na kaawaan kayo ay kaaawaan Niya kayo sa pamamagitan ng pagtutuon sa inyo sa pananampalataya at gawang maayos. Kung loloobin Niya na pagdusahin kayo ay pagdurusahin Niya kayo sa pamamagitan ng pagbigo sa inyo sa pananampalataya at pagbibigay-kamatayan sa inyo sa kawalang-pananampalataya. Hindi nagpadala si Allāh sa iyo, O Sugo, sa kanila bilang pinananaligang pipilit sa kanila sa pananampalataya, pipigil sa kanila sa kawalang-pananampalataya, at mag-iisa-isa sa kanila ng mga gawa nila. Ikaw ay isang tagapagpaabot lamang buhat kay Allāh ng ipinag-utos Niya sa iyo na ipaabot.