×
الإسراءAyah 57

Tafsir Al-Mukhtasar

أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ يَدْعُونَ يَبْتَغُونَ إِلَىٰ رَبِّهِمُ ٱلْوَسِيلَةَ أَيُّهُمْ أَقْرَبُ وَيَرْجُونَ رَحْمَتَهُۥ وَيَخَافُونَ عَذَابَهُۥٓ ۚ إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ كَانَ مَحْذُورًا ﴿٥٧﴾

Yaong mga dinadalanginan kabilang sa mga anghel at tulad ng mga ito, sila mismo ay naghahangad ng magpapalapit sa kanila tungo kay Allāh gaya ng mabuting gawa, nagtatagisan kung alin sa kanila ang [magiging] pinakamalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, nag-aasam na maaawa Siya sa kanila, at nangangamba na pagdurusahin Niya sila. Tunay na ang parusa ng Panginoon mo, O Sugo, ay kabilang sa nararapat na pangilagan.