×
الإسراءAyah 64

Tafsir Al-Mukhtasar

وَٱسْتَفْزِزْ مَنِ ٱسْتَطَعْتَ مِنْهُم بِصَوْتِكَ وَأَجْلِبْ عَلَيْهِم بِخَيْلِكَ وَرَجِلِكَ وَشَارِكْهُمْ فِى ٱلْأَمْوَٰلِ وَٱلْأَوْلَـٰدِ وَعِدْهُمْ ۚ وَمَا يَعِدُهُمُ ٱلشَّيْطَـٰنُ إِلَّا غُرُورًا ﴿٦٤﴾

Mangmata ka sa sinumang makakaya mo na matahin kabilang sa kanila sa pamamagitan ng tinig mo patungo sa pagsuway. Humiyaw ka sa kanila sa pamamagitan ng mga hukbong-kabayuhan mo at mga hukbong-lakad mo na mga nag-aanyaya sa pagtalima sa iyo. Makilahok ka sa kanila sa mga yaman nila sa pamamagitan ng pag-akit sa bawat gawaing sumasalungat sa Batas. Makilahok ka sa kanila sa mga anak nila sa pamamagitan ng pag-aangkin nila ng kasinungalingan, pagpapatamo ng mga anak sa pamamagitan ng pangangalunya, at pagpapaalipin sa mga ito sa iba pa kay Allāh sa pagpapangalan. Mang-akit ka sa kanila ng mga pangakong sinungaling at mga mithiing bulaan." Hindi nangangako sa kanila ang demonyo maliban ng mga pangakong sinungaling na dumadaya sa kanila.