×
الإسراءAyah 67

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فِى ٱلْبَحْرِ ضَلَّ مَن تَدْعُونَ إِلَّآ إِيَّاهُ ۖ فَلَمَّا نَجَّىٰكُمْ إِلَى ٱلْبَرِّ أَعْرَضْتُمْ ۚ وَكَانَ ٱلْإِنسَـٰنُ كَفُورًا ﴿٦٧﴾

Kapag may sumaling sa inyo, O mga tagapagtambal, na isang pagsubok na kinasusuklaman sa dagat hanggang sa natakot kayo sa kapahamakan ay nalingid sa hinagap ninyo ang dati ninyong dinadalanginan bukod pa kay Allāh. Walang kayong naalaala kundi si Allāh kaya nagpapasaklolo kayo sa Kanya ngunit nang sumaklolo Siya sa inyo, nagligtas Siya sa inyo mula sa pinangangambahan ninyo, at napunta kayo sa kalupaan ay umaayaw naman kayo sa paniniwala sa kaisahan Niya at sa pagdalangin sa Kanya lamang at nanunumbalik kayo sa mga anito ninyo. Laging ang tao ay mapagkaila sa mga biyaya ni Allāh.