Tafsir Al-Mukhtasar
وَيَسْـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلرُّوحِ ۖ قُلِ ٱلرُّوحُ مِنْ أَمْرِ رَبِّى وَمَآ أُوتِيتُم مِّنَ ٱلْعِلْمِ إِلَّا قَلِيلًا ﴿٨٥﴾
Nagtatanong sa iyo, O Sugo, ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan tungkol sa reyalidad ng kaluluwa kaya sabihin mo sa kanila: "Walang nakaaalam sa reyalidad ng kaluluwa kundi si Allāh at hindi kayo binigyan at ang lahat ng mga nilikha ng kaalaman kundi kakaunti kung ihahambing sa kaalaman ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya."