×
الإسراءAyah 94

Tafsir Al-Mukhtasar

وَمَا مَنَعَ ٱلنَّاسَ أَن يُؤْمِنُوٓا۟ إِذْ جَآءَهُمُ ٱلْهُدَىٰٓ إِلَّآ أَن قَالُوٓا۟ أَبَعَثَ ٱللَّهُ بَشَرًا رَّسُولًا ﴿٩٤﴾

Walang pumigil sa mga tagatangging sumampalataya sa pagsampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at sa paggawa sa inihatid ng Sugo kundi ang pagkakaila nila na ang sugo ay maging kabilang sa uri ng mga tao yayamang nagsabi sila bilang pagtutol: "Nagpadala ba si Allāh sa amin ng isang sugo kabilang sa mga tao?"