Tafsir Al-Mukhtasar
فَلَعَلَّكَ بَـٰخِعٌ نَّفْسَكَ عَلَىٰٓ ءَاثَـٰرِهِمْ إِن لَّمْ يُؤْمِنُوا۟ بِهَـٰذَا ٱلْحَدِيثِ أَسَفًا ﴿٦﴾
Kaya baka ikaw, O Sugo, ay magpapahamak sa sarili mo dala ng lungkot at dalamhati kung hindi sila sumampalataya sa Qur'ān na ito, ngunit huwag mong gawin sapagkat hindi kailangan sa iyo ang kapatnubayan nila; tanging ang kailangan sa iyo ay ang pagpapaabot.