×
البقرةAyah 113

Tafsir Al-Mukhtasar

وَقَالَتِ ٱلْيَهُودُ لَيْسَتِ ٱلنَّصَـٰرَىٰ عَلَىٰ شَىْءٍ وَقَالَتِ ٱلنَّصَـٰرَىٰ لَيْسَتِ ٱلْيَهُودُ عَلَىٰ شَىْءٍ وَهُمْ يَتْلُونَ ٱلْكِتَـٰبَ ۗ كَذَٰلِكَ قَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ مِثْلَ قَوْلِهِمْ ۚ فَٱللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ فِيمَا كَانُوا۟ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ ﴿١١٣﴾

Nagsabi ang mga Hudyo: "Ang mga Kristiyano ay hindi nasa isang tumpak na relihiyon" at nagsabi ang mga Kristiyano: "Ang mga Hudyo ay hindi nasa isang tumpak na relihiyon." Bawat isa [sa kanila] ay bumibigkas ng pagpapatotoo sa tinanggihang sampalatayanan at ng utos ng pagsampalataya sa lahat ng mga propeta nang walang pagtatangi-tangi, habang mga nakikiwangis sa gawain nilang ito sa sabi ng mga hindi nakaaalam kabilang sa mga tagapagtambal, nang nagpasinungaling ang mga ito sa mga sugo sa kabuuan ng mga iyon at sa pinababa sa mga iyon na mga kasulatan. Kaya dahil dito, hahatol si Allāh sa pagitan ng mga nagkakasalungatan nang magkasama sa Araw ng Pagbangon ayon sa kahatulan Niyang makatarungan, na ipinabatid Niya sa mga lingkod Niya: na walang pagtamo malibang sa pamamagitan ng pagsampalataya sa lahat ng pinababa ni Allāh – pagkataas-taas Siya.