×
البقرةAyah 116

Tafsir Al-Mukhtasar

وَقَالُوا۟ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدًا ۗ سُبْحَـٰنَهُۥ ۖ بَل لَّهُۥ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۖ كُلٌّ لَّهُۥ قَـٰنِتُونَ ﴿١١٦﴾

Nagsabi ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga Mushrik: "Gumawa si Allāh para sa sarili Niya ng anak." Pagkalayu-layo Siya at pagkabanal-banal Siya para roon sapagkat Siya ay ang Walang-pangangailangan sa nilikha Niya. Gumagawa lamang ng anak ang sinumang nangangailangan doon. Bagkus sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ang paghahari sa mga langit at lupa. Lahat ng mga nilikha ay mga alipin para sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na mga nagpapasailalim sa Kanya. Ginagawa Niya sa kanila ang anumang niloloob Niya.