×
البقرةAyah 138

Tafsir Al-Mukhtasar

صِبْغَةَ ٱللَّهِ ۖ وَمَنْ أَحْسَنُ مِنَ ٱللَّهِ صِبْغَةً ۖ وَنَحْنُ لَهُۥ عَـٰبِدُونَ ﴿١٣٨﴾

Manatili kayo sa relihiyon ni Allāh, na lumalang sa inyo ayon doon, sa panlabas at sa panloob. Walang pinakamaganda bilang relihiyon kaysa sa relihiyon ni Allāh sapagkat ito ay umaayon sa kalikasan ng pagkalalang, tagaakit ng mga kabutihan, at tagahadlang ng mga katiwalian. Sabihin ninyo: "Kami ay mga tagasamba kay Allāh, tanging sa Kanya; hindi kami nagtatambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya."