Tafsir Al-Mukhtasar
سَيَقُولُ ٱلسُّفَهَآءُ مِنَ ٱلنَّاسِ مَا وَلَّىٰهُمْ عَن قِبْلَتِهِمُ ٱلَّتِى كَانُوا۟ عَلَيْهَا ۚ قُل لِّلَّهِ ٱلْمَشْرِقُ وَٱلْمَغْرِبُ ۚ يَهْدِى مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ ﴿١٤٢﴾
Magsasabi ang mga mangmang na mahihina ang mga pagkaunawa kabilang sa mga Hudyo at sinumang nasa kauri nila kabilang sa mga mapagpaimbabaw: "Ano ang nagpabaling sa mga Muslim palayo sa qiblah ng Jerusalem na dating qiblah nila noon?" Sabihin mo, O Propeta, habang sumasagot sa kanila: "Sa kay Allāh lamang ang pagmamay-ari ng silangan, kanluran, at iba sa dalawang na mga dako. Naghaharap siya sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya tungo sa alinmang dakong niloob Niya. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya tungo sa isang tuwid na daan, na walang pagkabaluktot doon ni paglihis."