×
البقرةAyah 160

Tafsir Al-Mukhtasar

إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُوا۟ وَأَصْلَحُوا۟ وَبَيَّنُوا۟ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ أَتُوبُ عَلَيْهِمْ ۚ وَأَنَا ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ ﴿١٦٠﴾

Maliban sa mga bumalik kay Allāh na mga nagsisisi sa pagkukubli sa mga tandang maliwanag na iyon, nagsaayos sa mga gawa nilang panlabas at panloob, at naglinaw sa ikinubli nilang katotohanan at patnubay. Ang mga iyon ay tatanggapin Ko ang pagbabalik nila sa pagtalima sa Akin. Ako ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod, ang Maaawain sa kanila.