×
البقرةAyah 177

Tafsir Al-Mukhtasar

لَّيْسَ ٱلْبِرَّ أَن تُوَلُّوا۟ وُجُوهَكُمْ قِبَلَ ٱلْمَشْرِقِ وَٱلْمَغْرِبِ وَلَـٰكِنَّ ٱلْبِرَّ مَنْ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْـَٔاخِرِ وَٱلْمَلَـٰٓئِكَةِ وَٱلْكِتَـٰبِ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ وَءَاتَى ٱلْمَالَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ ذَوِى ٱلْقُرْبَىٰ وَٱلْيَتَـٰمَىٰ وَٱلْمَسَـٰكِينَ وَٱبْنَ ٱلسَّبِيلِ وَٱلسَّآئِلِينَ وَفِى ٱلرِّقَابِ وَأَقَامَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَى ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلْمُوفُونَ بِعَهْدِهِمْ إِذَا عَـٰهَدُوا۟ ۖ وَٱلصَّـٰبِرِينَ فِى ٱلْبَأْسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ وَحِينَ ٱلْبَأْسِ ۗ أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ صَدَقُوا۟ ۖ وَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُتَّقُونَ ﴿١٧٧﴾

Ang kabutihang kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay hindi ang payak na pagharap sa dako ng silangan o kanluran at ang pagsasalitan doon. Subalit ang kabutihan na buong kabutihan ay nasa sinumang sumampalataya kay Allāh bilang nag-iisang Diyos; sumampalataya sa Araw ng Pagbangon, sa lahat ng mga anghel, sa lahat ng mga kasulatang pinababa, at sa lahat ng mga propeta nang walang pagtatangi-tangi; gumugol ng yaman – sa kabila ng pagkaibig dito at pagkasigasig dito – sa mga may pagkakamag-anakan, sa sinumang nawalan ng ama nang mababa sa edad ng pagbibinata (o pagdadalaga), sa mga may pangangailangan, sa estrangherong kinapos sa paglalakbay malayo sa mag-anak niya at bayan niya, sa mga dumanas ng isang pangangailangang nag-oobliga ng panghihingi sa mga tao, at sa pagbayad ng salapi sa pagpapalaya ng alipin mula sa pagkaalipin at pagkabihag; nagpanatili ng dasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito nang lubusan ayon sa ipinag-utos ni Allāh; nagbigay ng zakāh na kinakailangan; mga tumutupad sa kasunduan sa kanila kapag nakipagkasunduan sila; lalo na sa mga nagtitiis sa karalitaan at kahirapan, karamdaman, at sa sandali ng pakikipaglaban sapagkat hindi sila tumatakas. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ang mga nagpakatotoo kay Allāh sa pananampalataya nila at mga gawain nila. Ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala, na mga sumunod sa ipinag-utos sa kanila ni Allāh at umiwas sa sinaway sa kanila ni Allāh.