×
البقرةAyah 184

Tafsir Al-Mukhtasar

أَيَّامًا مَّعْدُودَٰتٍ ۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوْ عَلَىٰ سَفَرٍ فَعِدَّةٌ مِّنْ أَيَّامٍ أُخَرَ ۚ وَعَلَى ٱلَّذِينَ يُطِيقُونَهُۥ فِدْيَةٌ طَعَامُ مِسْكِينٍ ۖ فَمَن تَطَوَّعَ خَيْرًا فَهُوَ خَيْرٌ لَّهُۥ ۚ وَأَن تَصُومُوا۟ خَيْرٌ لَّكُمْ ۖ إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ ﴿١٨٤﴾

Ang pag-aayunong isinatungkulin sa inyo ay na mag-ayuno kayo sa mga araw na kakaunti ng isang taon; ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay may-sakit na isang sakit na humihirap sa kanya ang pag-aayuno o naglalakbay, maaari sa kanya na tumigil-ayuno, pagkatapos kailangan sa kanya na magbayad-ayuno ng kasing dami ng itinigil-ayuno na mga araw. Kailangan sa mga nakakakaya sa pag-aayuno ay isang pantubos, kapag tumigil-ayuno sila. Ito ay pagpapakain ng isang dukha kapalit sa bawat araw na tumigil-ayuno sila. Ang sinumang nagdagdag sa pagpapakain ng iisang dukha o nagpakain nito kasama ng pag-aayuno, iyon ay higit na mabuti para sa kanya. Ang pag-aayuno ninyo ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pagtigil-ayuno at pagbibigay ng pantubos, kung kayo ay nakaaalam sa taglay ng pag-aayuno na kalamangan. Ang patakarang ito noon ay sa unang [pagkakataong] isinabatas ni Allāh ang pag-aayuno sapagkat noon ang sinumang nagnais ay nag-aayuno at ang sinumang nagnais ay tumitigil-ayuno at nagpapakain. Pagkatapos nagsatungkulin si Allāh ng pag-aayuno matapos niyon at nag-obliga nito sa bawat nasa hustong gulang na nakakakaya.