×
البقرةAyah 206

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذَا قِيلَ لَهُ ٱتَّقِ ٱللَّهَ أَخَذَتْهُ ٱلْعِزَّةُ بِٱلْإِثْمِ ۚ فَحَسْبُهُۥ جَهَنَّمُ ۚ وَلَبِئْسَ ٱلْمِهَادُ ﴿٢٠٦﴾

Kapag sinabi sa tagagulong iyon bilang paraan ng pagpapayo: "Mangilag kang magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggalang sa mga hangganan Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya," pinipigilan siya ng paninikis at pagmamalaki sa pagbabalik sa katotohanan at nagpapatuloy siya sa kasalanan. Kaya ang ganting sasapat sa kanya ay ang pagpasok sa Impiyerno. Talagang kay saklap ang pagtitigilan at ang panananatilihan para sa mga maninirahan doon!