×
البقرةAyah 240

Tafsir Al-Mukhtasar

وَٱلَّذِينَ يُتَوَفَّوْنَ مِنكُمْ وَيَذَرُونَ أَزْوَٰجًا وَصِيَّةً لِّأَزْوَٰجِهِم مَّتَـٰعًا إِلَى ٱلْحَوْلِ غَيْرَ إِخْرَاجٍ ۚ فَإِنْ خَرَجْنَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِى مَا فَعَلْنَ فِىٓ أَنفُسِهِنَّ مِن مَّعْرُوفٍ ۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ ﴿٢٤٠﴾

Ang mga mamamatay kabilang sa inyo at mag-iiwan sa pagkamatay nila ng mga maybahay, kailangan sa kanila na magtagubilin para sa mga ito na pagtamasain ang mga ito ng matitirahan at panggugol sa isang buong taon. Hindi magpapalisan sa kanila ang mga tagapagmana ninyo bilang pag-aaliw sa kanila dahil sa dinanas nila at bilang katapatan sa namatay; ngunit kung lumisan sila bago ng pagkakumpleto ng taon ayon sa pagkukusa ng mga sarili nila ay walang kasalanan sa inyo ni sa kanila sa anumang ginawa nila sa mga sarili nila na paggagayak at pagpapabango. Si Allāh ay Makapangyarihan: walang tagapanaig sa Kanya, Marunong sa pangangasiwa Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya. Bukod pa rito, naniwala ang mayoriya sa mga tagapaglinaw [ng Qur'ān] na ang kahatulan ng talatang ito ay pinawalang-bisa ng sabi Niya – pagkataas-taas Siya – (Qur'ān: 2:234): "Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay, mag-aantabay ang mga ito sa mga sarili ng mga ito nang apat na buwan at sampung [araw]."