Tafsir Al-Mukhtasar
مَّن ذَا ٱلَّذِى يُقْرِضُ ٱللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا فَيُضَـٰعِفَهُۥ لَهُۥٓ أَضْعَافًا كَثِيرَةً ۚ وَٱللَّهُ يَقْبِضُ وَيَبْصُۜطُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ ﴿٢٤٥﴾
Sino itong gagawa ng gawain ng tagapautang para gumugol ng yaman niya sa landas ni Allāh nang may isang magandang layunin at may isang kaluluwang kaaya-aya upang manumbalik sa kanya ng maraming ulit. Si Allāh ay nagpapasalat sa panustos, kalusugan, at iba pa, at nagpapasagana roon sa kabuuan nito sa pamamagitan ng karunungan Niya at katarungan Niya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.