Tafsir Al-Mukhtasar
وَلَمَّا بَرَزُوا۟ لِجَالُوتَ وَجُنُودِهِۦ قَالُوا۟ رَبَّنَآ أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًا وَثَبِّتْ أَقْدَامَنَا وَٱنصُرْنَا عَلَى ٱلْقَوْمِ ٱلْكَـٰفِرِينَ ﴿٢٥٠﴾
Nang lumisan sila, habang mga lumalantad kina Goliat at mga hukbo nito, ay nagtuon sila kay Allāh ng panalangin, na mga nagsasabi: "Panginoon namin, magbuhos Ka sa mga puso namin ng pagtitiis, magpatatag Ka ng mga paa namin upang hindi kami tumakas at hindi kami matalo sa harapan ng kaaway namin, at mag-adya Ka sa amin sa pamamagitan ng lakas Mo at pag-alalay Mo laban sa mga taong tagatangging sumampalataya."