×
البقرةAyah 281

Tafsir Al-Mukhtasar

وَٱتَّقُوا۟ يَوْمًا تُرْجَعُونَ فِيهِ إِلَى ٱللَّهِ ۖ ثُمَّ تُوَفَّىٰ كُلُّ نَفْسٍ مَّا كَسَبَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ ﴿٢٨١﴾

Mangamba kayo sa pagdurusa sa Araw na pababalikin kayo roon sa kalahatan tungo kay Allāh at haharap kayo sa harapan Niya. Pagkatapos bibigyan ang bawat kaluluwa ng ganti sa anumang kinamit nito na kabutihan o kasamaan. Hindi sila lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa gantimpala sa mga magandang gawa nila ni sa pamamagitan ng pagdaragdag sa kaparusahan sa mga masagwang gawa nila.