×
البقرةAyah 54

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِۦ يَـٰقَوْمِ إِنَّكُمْ ظَلَمْتُمْ أَنفُسَكُم بِٱتِّخَاذِكُمُ ٱلْعِجْلَ فَتُوبُوٓا۟ إِلَىٰ بَارِئِكُمْ فَٱقْتُلُوٓا۟ أَنفُسَكُمْ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ عِندَ بَارِئِكُمْ فَتَابَ عَلَيْكُمْ ۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ ﴿٥٤﴾

Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyayang ito na nagtuon sa inyo si Allāh sa pagbabalik-loob mula sa pagsamba sa guya yayamang nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa inyo: "Tunay na kayo ay lumabag sa katarungan sa mga sarili ninyo sa paggawa ninyo ng guya bilang isang diyos na sinasamba ninyo. Kaya magbalik-loob kayo at bumalik kayo sa Tagalikha ninyo at Tagapagpairal ninyo." Iyon ay sa pamamagitan ng pagpatay ng iba sa inyo sa iba. Ang pagbabalik-loob sa paraang ito ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pananatili sa kawalang-pananampalatayang hahantong sa pamamalagi sa Impiyerno. Kaya nagsagawa kayo niyon ayon sa isang pagtutuon mula kay Allāh at isang pagtulong, at tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob dahil Siya ay madalas ang pagtanggap ng pagbabalik-loob, maawain sa mga lingkod Niya."