Tafsir Al-Mukhtasar
وَإِذْ قُلْنَا ٱدْخُلُوا۟ هَـٰذِهِ ٱلْقَرْيَةَ فَكُلُوا۟ مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ رَغَدًا وَٱدْخُلُوا۟ ٱلْبَابَ سُجَّدًا وَقُولُوا۟ حِطَّةٌ نَّغْفِرْ لَكُمْ خَطَـٰيَـٰكُمْ ۚ وَسَنَزِيدُ ٱلْمُحْسِنِينَ ﴿٥٨﴾
Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa inyo ay noong nagsabi Siya: "Magsipasok kayo sa Jerusalem at kumain kayo nang masaganang maalwang pagkain sa loob nito mula mga kaaya-ayang bagay mula sa alinmang lugar na loobin ninyo. Maging mga nakayukod na nagpapasailalim kay Allāh. Magsihiling kayo kay Allāh, na mga nagsasabi: "Panginoon namin, mag-alis Ka sa amin ng mga pagkakasala namin;" tutugon Siya sa inyo at magdaragdag Siya ng gantimpala sa mga nagpaganda sa mga gawa nila dahil sa pagpapaganda nila ng gawa.