×
البقرةAyah 69

Tafsir Al-Mukhtasar

قَالُوا۟ ٱدْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا لَوْنُهَا ۚ قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ صَفْرَآءُ فَاقِعٌ لَّوْنُهَا تَسُرُّ ٱلنَّـٰظِرِينَ ﴿٦٩﴾

Ngunit nagpatuloy sila sa pakikipagtalo nila at pang-iinis nila, na mga nagsasabi kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Dumalangin ka sa Panginoon mo upang magpalinaw Siya sa amin kung ano ang kulay nito." Kaya nagsabi sa kanila si Moises: "Tunay na si Allāh ay nagsasabing tunay na ito ay isang bakang dilaw na matindi ang kadilawan, na nagpapahanga sa bawat tumitingin dito."