×
البقرةAyah 89

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَمَّا جَآءَهُمْ كِتَـٰبٌ مِّنْ عِندِ ٱللَّهِ مُصَدِّقٌ لِّمَا مَعَهُمْ وَكَانُوا۟ مِن قَبْلُ يَسْتَفْتِحُونَ عَلَى ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ فَلَمَّا جَآءَهُم مَّا عَرَفُوا۟ كَفَرُوا۟ بِهِۦ ۚ فَلَعْنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلْكَـٰفِرِينَ ﴿٨٩﴾

Noong dumating sa kanila ang Marangal na Qur'ān mula sa ganang kay Allāh, na sumasang-ayon sa nasa Torah at Ebanghelyo sa mga batayang pangkalahatang tumpak – samantalang sila dati bago pa ng pagbaba nito ay nagsasabi: "Magpapaadya tayo sa laban sa mga tagapagtambal at magpapawagi para sa atin kapag may ipinadala na isang propeta para sumampalataya tayo sa kanya at sumunod tayo sa kanya" – ngunit noong dumating sa kanila ang Qur'ān at si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ayon sa katangiang nakilala nila at katotohanang nalaman nila ay tumanggi silang sumampalataya sa kanya. Kaya ang sumpa ni Allāh ay nasa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya.