Tafsir Al-Mukhtasar
وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِن رَّبِّكَ لَكَانَ لِزَامًا وَأَجَلٌ مُّسَمًّى ﴿١٢٩﴾
Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo, O Sugo, na hindi Siya magpaparusa sa isa man bago ng paglalahad ng katwiran dito, at kung hindi dahil sa isang taning na itinakda sa ganang Kanya para sa kanila, talaga sanang minadali Niya sa kanila ang pagdurusa dahil sa pagiging karapat-dapat nila roon.