×
طهAyah 131

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَا تَمُدَّنَّ عَيْنَيْكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعْنَا بِهِۦٓ أَزْوَٰجًا مِّنْهُمْ زَهْرَةَ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا لِنَفْتِنَهُمْ فِيهِ ۚ وَرِزْقُ رَبِّكَ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ ﴿١٣١﴾

Huwag ka ngang tumingin sa ginawa Namin para sa mga uri ng mga tagapagpasinungaling na ito bilang pagtatamasang tinatamasa nila mula sa karangyaan ng buhay na pangmundo upang sumubok Kami sa kanila. Tunay na ang anumang ginawa para sa kanila mula roon ay naglalaho samantalang ang gantimpala ng Panginoon mo na ipinangako Niya sa iyo upang malugod ka ay higit na mabuti kaysa sa ipinatamasa Niya sa kanila sa Mundo na mga pagtatamasang naglalaho at higit na nagtatagal dahil ito ay hindi napuputol.